Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barbie, Kate ‘di nagpakabog kina Dina, Snooky

0 105

Nasa finale week na nga ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday nina Barbie Forteza, Kate Valdez, with Snooky Serna at Dina Bonnevie.

At makikita na nga ang mas matitinding eksena, tungkol sa pagtatakwil.

Wala na ngang sasakit pa sa ipagtabuyan ka ng sarili mong pamilya.

Kaloka nga ang mga linya ng karakter ni Dina kay Barbie na, ‘Huwag ka nang umasa pa na matatanggap kita bilang anak!”

At siyempre, masakit din sa dibdib ang hanash ni Kate kay Snooky.

Pero, hanggang saan nga ba aabot ang giyera sa pagitan ng dalawang pamilya?

Anyway, pareho ngang mahusay ring umarte sina Barbie at Kate, ha! Na hindi sila nagpakabog sa mga beteranang sina Dina at Snooky.

Kung aanga-anga silang mga artista, malamang na nilamon na sila ng dalawang beteranang aktres.

So, good job Barbie at Kate! (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.