Una sa Balita

Barbie, JM totohanan na ang lambingan

By
0 1,218

Mukhang totoo na ang lambingan nina JM de Guzman at Barbie Imperial, na labas sa kanilang mga karakter sa seryeng ‘Araw Gabi’. Kanya-kanyang ispekulasyon ang netizen sa video posting ni JM sa Instagram ng lambingan nila sa pool.

Kuha sa eksena nila sa soap ang pool scene nila dahil binati pa ni JM ng ‘happy monthsary’ ang cha­racter ni Barbie na si Mich.

Pero dahil mahigpit ang yakap ni JM sa pool kay Barbie at panay naman ang pa-girl ng huli, kumbinsido ang netizen na may romantic attachment ang dalawa.

Makikita sa galaw nina JM at barbie sa video na nagkakaintindihan sila. Suportado naman ng mga fan sina JM at Barbie.

Katunayan kinikilig sila sa dalawa.