Una sa Balita

Barbie-Jak sinasagad ang ‘holi-date’

Pinahiga, pinatikim

By
0 1,904

Tuloy-tuloy ang ‘holi-date’ ng lovers na sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Magkasama silang nanood ng ma­gic show sa Araneta Coliseum after Christmas matapos i-celebrate ang Pasko na magkasama.

Pero hindi lang pa­nonood ng magic ang natikman ni Barbie, huh! Naging bahagi rin siya ng isang pasabog na trick ng magician sa pinost niyang video sa Instagram.

Maraming salamat po! @wilbroslive #ImpossibleManila #SeeToBelieve

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

Pinahiga sa isang bangko ang Kapuso actress saka nilagyan ng caption na, “Muntik na akong hindi magkasya sa kahoy.”

Tapos, tinanggal ‘yung suporta sa bangko kaya lumutang siya at saka dinaanan ng malaking ring para ipakitang walang daya ang ginawa sa kanya.

“Winner…Amazing…Walang takot…” ilan sa komento ng followers ni Barbie.

Gaya ng partisipasyon sa stage, wala na ring takot si Barbie na ilantad sa publiko ang BF na si Jak, huh!

Janine vs. Gabbi sabunutan na sa ‘Sexy Goddess’ title sa 2018

Suma-summer ang peg ni Janine Gutierrez sa picture na pinost ng manager niyang si Leo Dominguez sa kanyang Instagram.

Eh pagdating naman sa pagdidispley ng kanyang alindog, game na game ang Kapuso actress tulad ng sariling post sa IG.

Sa coming mini-series ni Janine, kinunan ang karamihang eksena sa isang beach sa Zambales. Tapos, sa GMA series niya, makakasama niya si Gabbi Garcia na palaban din sa pagpapaseksi, huh!

Aba, hindi siya puwedeng patalbog kay Gabbi dahil meron din namang body to die for si Janine, huh!

Kaya mukhang may patalbugan sina Janine at Gabbi sa tele­serye nila with Ruru Madrid, ha!