Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barbie, Jak kasal na lang ang kulang

0 179

Kahapon ay katsikahan ko sa pamamagitan ng Viber app ang nanay ni Barbie Forteza, si Mommy Amy.

“My gosh, Mommy Amy, ang bilis. Naka-4 years na sina Barbie at Jak (Roberto). Parang kailan lang ‘yung ikuwento nila sa birthday party ko na silang dalawa na,” sey ko kay Mommy Amy.

“Oo nga po, Tito Jun (paboritong tawag sa akin ng nanay ni Barbie). Ang bilis po. Hindi natin namalayan, 4 years na. Nag-celebrate na sina Barbie at Jak ng 4th anniversary nila,” tsika pa ni Mommy Amy.

Naalala ko nga na nang unang aminin nina Barbie at Jak na sila na, bigla kaming pinakiusapan ni Mommy Amy na huwag na munang isulat ang tungkol doon.

That time, may project pa kasi si Barbie na si Ken Chan ang kapareha, ang “This Time I’ll Be Sweater” ng Regal Entertainment, Inc. at ratsada pa ang publicity sa love team ng dalawa.

Pero later on, naging very open na naman sina Barbie at Jak tungkol sa kanilang relasyon.

Actually, boto talaga si Mommy Amy kay Jak, pati ang tatay ni Barbie, si Daddy Tony. Malaki nga ang tiwala nila sa hunk actor, kaya naman welcome na welcome itong makadalaw sa kanilang bahay.

“Mabait pong bata si Jak,” palaging sinasabi sa amin ni Mommy Amy.

In fairness, mabait din si Sanya Lopez, kaya kasundo ni Barbie ang kanyang “future sister-in-law”. Yes, marami nga ang naniniwalang mauuwi sa kasalan ang relasyong Barbie-Jak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.