Una sa Balita

Barbie Imperial naki-party sa mga Kapuso

By
0 1,798

Kids no more na nga sila. Makalipas ang halos 14 na taon, nagkita-kita ang dating StarStruck Kids. Mala-reunion nga ang intimate dinner ng dating contestants ng artista-based reality search.

Present sina Bea Binene, Miguel Tanfelix, Paul Salas, Sandy Talag, Sam Bumatay, Shamel Leask, Gabriel Roxas at JM Reyes.

Sina Miguel at Bea, active pa rin sa kanilang showbiz career at may kani-kanilang shows, ang Kambal, Karibal at Kapag Nahati Ang Puso. Si Paul Salas ay kakabalik lang sa Kapuso network nitong Mayo habang napanood naman si Sandy sa 2016 drama-comedy series na Calle Siete. Pinili naman nina Sam, Shamel, Gabriel at JM ang pribado at tahimik na buhay. Sina Sam at Kurt Perez ang itinanghal na Ultimate Female at Male Survivor ng StarStruck Kids. Runner-ups naman sina Miguel at Ella Guevara. Super saya ng reunion nila na mga binata’t dalaga na ngayon.

Teka, bitbit nga ba ni Paul Salas ang girlfriend niyang si Barbie Imperial sa reunion nila? Nasilip nga raw sa IG story ni Paul ‘yon. Bongga naman, at naipakilala na pala ni Paul si Barbie sa mga kaibigan niya. 

Bianca nahiya sa papuri ng mga beteranong artista

Isa sa pinakapinag-usapan sa Twitter kamakailan ay ang episode ng Kambal, Karibal kung saan inihatid na si Makoy (Jeric Gonzales) sa kanyang huling hantungan. Dito binuhos nang husto ni Crisan (Bianca Umali) ang kanyang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang parekoy.

Sang-ayon kami hindi lang sa sinasabi ng mga netizens kundi pati na rin ng kapwa niya co-stars sa serye na nabigyang hustisya ni Bianca ang pagganap sa kanyang karakter.

Kaya naman nang minsan namin siyang tanungin kung anong masasabi niya kapag pinupuri siya ng mga beteranong artista, aminado si Bianca na nahihirapan siyang mag-react kapag nakakatanggap ng mga ganitong papuri. Pero dagdag niya, isa itong assurance para sa kanya dahil nasasabi niya sa sarili niya na maayos ang ginawa niya at dapat pang pag-igihan.