Una sa Balita

Barbie Imperial matapang sa hubaran

By
0 2,879

Si Barbie Imperial ba ang bagong Maja Salvador ng ABS-CBN? Si Barbie na tulad ni Maja, inosenteng-ino­sente ang mukha nu’ng ilunsad bilang bida sa te­leseryeng Nagsimula sa Puso nu’ng 2009 kasama sina Coco Martin at Jason Abalos.

Naalala ko pa ang poster ng teleseryeng ‘yon ni Maja, na pulang tela lang ang ibinalot sa katawan niya na nakahiga, katabi ang mga lalaki.

At mula noon, nagsunod-sunod na ang suwerte ni Maja, at isa na nga siya sa maituturing na lead star, o big star ng Kapamilya network.

Sa personal, aakalain mong 18 years old lang si Barbie, ang bida sa teleseryeng Araw Gabi, kasama si JM de Guzman. Para siyang supladitang teenager, na mahirap kausapin dahil sa kanyang mukha.

Pero, kapag ngumit­i na siya, siguradong makukuha na niya ang atensiyon mo, lalo na ng kalalakihan.

Ang liit ng mukha, pero nagmumura ang lakas ng sex appeal. At mukhang palaban naman si Barbie, dahil 20 years old na nga naman siya, at kaya naman niyang­ gawin ‘yon, at meron din naman siyang ipagmamalaki.

Sa mga pictoria­l ng Precious Hearts Romances: Araw Gabi, hindi nangimi si Barbie na i­lantad ang kanyang kaseksihan. Kasama niya sa pictorial ang hubad na si JM, at kung ano ang iutos sa kanila, na kaila­ngan nilang maglambi­ngan, habang basa ang kanilang mga katawan, go lang ang dalawa.

Hayup sa sex appeal si Barbie. At yes, simula na nga ito ng pagkinang ng mga bituin ni Barbie. So, sa mga artista ng ABS-CBN na papatay-patay, at sobra-sobra kung mag-i­narte, baka mawalan kayo ng trabaho, dahil heto na nga si Barbie.