Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barbie hibang sa pag-ibig ni Diego

0 63

Lunod sa pag-ibig ni Diego Loyzaga si Barbie Imperial. Na tila hindi nito kayang mabuhay nang wala sa piling nya ang kasintahan.

Ang patunay, ay ang Instagram love appreciation post ni Barbie para kay Diego, na naglalahad ng kasiyahan nito sa nararamdamang pag-ibig sa aktor.

Sa mga solo shot na pinoste nito sa IG, ramdam ng netizen ang umaapaw na pag-ibig ni Barbie.

“If there’s something I wanna give you, I’d give you the ability to see yourself through my eyes so you know how special you are to me. How happy my heart feels when I see you happy when I’m with you,” sabi ni Barbie.

Sa huling photo, naglagay pa ng quotation si Barbie. Nakasaad ang mga linyang, “You are like golden hour. It glows different when you’re here – butterflies rising”.

Take note, walang anumang okasyon o hindi naman birthday ni Diego para sa appreciation post na ito ni Barbie, pero halos sambahin nito ang huli sa labis na nararamdamang pag-ibig at pasasalamat sa kasintahan. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.