Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barbie, Heaven nagtarayan sa ‘Bagong Umaga’

0 197

Nabunyag na ang katotohanan sa pagkatao nina Heaven Peralejo at Barbie Imperial sa “Bagong Umaga”.

Nakumpirma ni Cris Villanueva na si Heaven ang tunay niyang anak at si Barbie ay anak nina Keempee de Leon at Nikki Valdez.

Una na ngang kinutuban si Cris matapos sabihan ng ina na si Rio Locsin na pinagpalit ni Glydel Mercado ang mga anak ng dalawang pamilya. Nalaman ni Cris na totoo ‘yon matapos dumating na positibo ang paternity test na kanyang kinuha.

At nalaman na rin ni Heaven ang katotohanan matapos kumprontahin si Glydel. Hindi man diretsong inamin ni Glydel, hinamon nito si Heaven kung kaya niyang sikmurahin ang ipagpalit ang kanyang kinalakihang pamilya para maging isang Veradona.

Bagamat masaklap ang natuklasang sikreto, naging bukas na ang loob ni Heaven para humingi ng tulong kay Barbie dahil ito na lang ang makakatulong para mapagaling ang ina. Paano kaya tatanggapin ni Barbie ang katotohanan?

Anyway, ‘yan nga ang mga eksena sa Bagong Umaga na kinagigiliwan ngayon ng mga netizen.

“Napanuod ko na sa advance EP pero bakit ganon pa din iyak ko huhu naubos ko ung isang roll ng tissue sayo Tisay (Heaven), Nanay Monica, at Tatay Jose Sakit sa dibdib. Sana All ganyan ang pamilya meron ang bawat tao,” ayon kay @borromeo0601.

Manghang-mangha rin ang mga netizen sa pinakitang galing nina Heaven at Barbie sa serye. Tarayan nga raw ng akting ang dalawa. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.