Una sa Balita

Barbie gustong maging serial killer

By
0 1,614

Hindi pa raw lahat ng role ay nagawa na ni Barbie Forteza. Nang makausap kasi siya ni Rhea Santos­ sa ‘Tunay Na Buhay’, ikinuwento ni Barbie na bukod sa pagiging isang leading lady, bet din niyang gampanan ang pagiging isang serial killer.

Hindi dahil gusto niyang manakit ng tao pero dahil gusto niyang mas lalo pang mapakita ang versatility niya as an actress.

Aba, hungry for challenge talaga ang ‘Inday Will Always Love You’ lead star natin na ito, huh. No wonder ilang award-giving bodies na ang kumilala sa kanyang husay.

Jasmine, Carla, Gabbi nanganganib kay Lamangan

Maraming na-excite nang i-post sa social media ang litrato ng cast ng bagong serye ng GMA Network na ‘Pamilya Roces.’ Bigating mga artista kasi ang kasama sa cast gaya nina Carla Abellana, Winwyn Marquez, Gabbi Garcia, Shaira Diaz, Mika dela Cruz, Rocco Nacino, Christian Bautista at ang vete­ran actors na sina Roi Vinzon, Snooky Serna, Elizabeth Oropesa at Gloria Diaz.

Gumawa rin ng ingay si Jasmine Curtis Smith dahil ito ang magiging una niyang proyekto sa GMA mula nang pumirma ito ng kontrata. Mas kasasabikan din ang serye dahil ang batikang direktor na si Joel Lamangan ang magdidirek ng program. Behave kayo. Alam na ninyo ha.

Onay lakas maka-good vibes

sang bagong karakter sa telebisyon ang tiyak na mamahalin ng mga manonood sa katauhan ni Onay na gagampanan ng small but terrible na si Jo Berry. Gaganap na anak ni Superstar Nora Aunor sa upcoming primetime series na ‘Onanay’ si Jo at para sa kanya ay mabilis siyang naka-relate sa karakter.

Pareho kasi silang adventu­rous at taga-dala ng good vibes. Kasama niyang magbibigay inspirasyon sa inyong mga gabi ang Kapuso BFFs na sina Mikee Quintos at Kate Valdez.

LJ malaki ang kasalanan kina Jennylyn, Tom

Pinag-uusapan na nga ngayon ang nalalapit na araw kung kailan mahahanap­ na ang cure sa GMA primetime series. Pero kailan nga ba ito matatagpuan?

Ngayong muli nang nagkita ang mga karakter nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez na sina Charity at Greg, oras na para magbayad sa mga kasalanan niya si Katrina na ginagampa­nan naman ni LJ Reyes.

‘Patola’ ni Maine palaging trending

Umaabot na sa mahigit 100,000 ang views ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ episode ni Dubsmash queen at Eat Bulaga superstar na si Maine Mendoza kung saan gumaganap siya bilang si Laura Patola.

At patuloy pa rin tumataas ang views ng viral videos sa Youtube. Lalo na nitong nakaraang Linggo nadagdagan na naman ang views nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy