Una sa Balita

Barbie Forteza kontrabida na ni Marian?

By
0 3,475

Matapos ang kanyang challenging role sa Magpakailanman bilang fat lady, muli na namang sumabak si Barbie Forteza sa isang kakaibang role. Pasok kasi siya sa Super Ma’am at gagampanan niya ang role ng magandang sirena na si Pearly.

Bagay nga raw kay Barbie ang role na ito dahil sa charming personality niya. At may kakayahan din pala siyang mag-anyong tao! Naku, ano kaya ang magiging papel niya kay Super Ma’am? May koneksyon kaya siya sa mga mababait na Tamawo o may dala siyang bagong kalaban?

Stars, staff iyakan sa My Korean Jagiya ending

Marami ang naiyak sa pagtatapos ng well-loved series na My Korean Jagiya. Pero ang bida nito na si Heart Evangelista, nalulungkot man sa pagtatapos ng serye ay hindi pa rin maitago ang kasiyahan dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga manonood.

“To be honest, after a really, really long time, it’s the first time that I felt that people appreciated me, and my efforts. I’m so thankful na na-appreciate niyo and naipakita ko rin ang love ko for my job,” sabi ni Heart.

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa lahat ng kanyang mga katrabaho.

“To the show, to the staff and to GMA, I just want to put it on record, I fell in love with my work again because of this show. Binusog niyo ako ng bonggang-bongga. Thank you to the fans, to everyone, to the writers, and thank you even to the people that pushed me to do my best and it worked.”

Baby ni Yasmien artistahin ang kagandahan

Just by looking at her Instagram posts, hindi maikakailang proud mommy ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa kanyang unica hija na si Ayesha Zara. Well, hindi naman ito kataka-taka dahil artistahin talagang maituturing si baby girl. Pagngiti pa lang, nakakabighani na like her mother. Madalas pa naman daw mapanood ng bata ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka lead star sa telebisyon kaya hindi nakakagulat na mapag-aralan din niya ang tamang pag-arte.

Jillian Ward kumakanta kapag bored

Hindi lang basta artista na maituturing si Jillian Ward. Napakahusay kasi nito sa maraming bagay. Nakakaarte , nakakasayaw, at mayroon ding talent sa pagkanta ang magandang dalagita.

Kamakailan nga, pinakita ng Daig Kayo Ng Lola Ko star ang kanyang galing sa pagkanta. Ipinost niya ito sa kanyang Youtube account at as of this writing ay may almost 3,000 views na.  Aniya, bored lang daw siya kaya niya ito ginawa. Wow, huh! Iba pala ma-bore si Jillian. Galing!