Una sa Balita

Barbie at Derrick hindi magsasama sa isang kuwarto sa Italy

By
Derrick Monasterio at Barbie Forteza
0 28

Wala raw dapat ipagse­los si Jak Roberto sa pagsasama nina Derrick Monasterio at Barbie Forteza sa pelikulang Almost A Love Story na gagawin nilang dalawa sa Italy.

Yes, tuloy na tuloy na ang balik-tambalan na DerBie na more than two years ding hindi nagsama sa isang proyekto, kaya pareho silang excited sa pagsisimula nito na gagawin nila under Direk Louie­ Ignacio.

Ayon pa kay Derrick, ano naman daw ang ikaka-insecure sa kanya ng dyowa ni Barbie, e, hindi naman daw sila magkasama sa isang kwarto sa hotel na titirhan nila sa Italy.

At saka, focus sila talaga sa work dahil ilang araw lang naman nila itong gagawin at kailangang tutok sila sa script.

Bukod pa rito, gusto raw niyang i-explore ang ganda ng lugar dahil first time niya roon at hindi niya alam kung kelan pa siya makakabalik.

Pero, teka, hindi kaya dito makahanap ng bagong dyowa si Derrick lalo na at alam namin na type niya ang magaganda, mapuputi at mala-model na babae?

Eh, nagkalat ‘yon sa Italy, huh!

Natatawa lang ang aming­ anak-anakan ng biruin namin siya tungkol dito.

Hindi raw niya naisip na papasok pa ‘yun sa aming kokote kaya naitanong namin sa kanya.

Pero, ‘yung mga ngi­ting ‘yun ni Derrick, naku, alam na namin ang ibig sabihin nito.

Parang bang, ‘Teka, why not nga naman?’ ang ibig sabihin nito, noh!

Matagal nang tigang sa pag-ibig si Derrick, kaya malay natin kung isang Italyana na pala ang pupuno nito.

For sure, hindi siya lugi kay Derrick, dahil bukod sa guwapo at hunky ito, may isang parte pa sa kanyang katawan ang si­gurado kaming punumpuno rin.

Echos!

McCoy-Elisse bibida sa pelikula

Ang isa pang lucky love team ngayon ay ang McLisse nina Mccoy de Leon at Elisse Joson.

Paano ­naman kasi, ginulat ni Atty. ­Joji Alonzo ang fanatics ng dalawa at ng mga ­netizen nu’ng mag-Tweet ito na ang susunod na gagawin nilang pelikula ay ang first title-movie ng ­dalawang ito.

Wala talagang nakakaalam na may nakaline-up pala siyang project sa isa sa newbie love teams sa showbiz, kaya sobra ang naging reaksiyon ng mga netizens.

Siyempre, tuwang-­tuwa sila dahil makikita na on a bigger scale ang tandem na minahal nila sa PBB Lucky 7, ­devah? ­Sorpresang big time ­talaga ito sa McLisse at sa kanilang fandom, noh!

Anyway, sinabi nga ni Atty. Joji na ngayong ­tapos na ng Quantum Films ang All of You na ipapalabas na nga sa MMFF 2017 simula sa December 25 at patapos na rin sila sa Ang Dalawang Mrs. Reyes, ­tututukan na rin nila ang para kina McLisse.

Wala pang detalyeng sinabi ang lady ­producer cum lawyer tungkol sa ­takbo ng kuwento ­nito, pero marami na ang ­nagsasabing isa itong ­romcom na may sariling pangpakilig sa kanilang mga tagahanga.

Ang isang sigurado ay si JP Habac ang ­magdidirek nito ng I’m Drunk, I Love nina Maja Salvador at Paulo Avelino noon.