Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barbie binantaan si Jak sa pambababae

0 220

Nakakaaliw si Barbie Forteza nang ma-interview namin sila ni Jak Roberto via zoom. Kahit sabay ang interview, magkahiwalay ang dalawa dahil si Jak ay naka-quarantine na at si Barbie naman ay nasa bahay nila.

May sisimulan na itong bagong serye, pero hindi pa raw yata pwedeng sabihin kung ano kaya secret muna. Pero yun nga, naghahanda na sila para sa lock-in taping.

Protocol na kasi ngayon na bago ang lock-in, ilang araw muna talaga sila na naka-isolate sa isang hotel. After a few days, saka pa lang isu-swab at kapag nag-negative sa COVID-19, diretso na sa location ng taping.

First time ni Jak na magla-lock-in taping dahil since pandemic, ngayon pa lang siya nabigyan ng bagong serye. Unlike si Barbie na sanay na sa lock-in.

Pero dahil mukhang may mga nagaganap sa lock-in tulad ng mga nagkaka-debelopan at “temptation,” may biglang warning si Barbie sa boyfriend.

May hirit si Barbie kay Jak na, “Sana walang matutukso sa lock-in. Hahaha!”

Pero halatang masaya at may kilig talaga kay Barbie nang mag-post noong anniversary nila si Jak na siya na ang “the one” nito.

Pero ini-assure naman ni Jak na walang dapat ika-worry ang girlfriend at siguradong hindi raw siya mate-tempt o made-develop sa iba o matutulad sa kung ano mang naging experience ng ibang artistang nag-lock-in.

“Sobrang na-touched ako. Kasi, kami ni Jak naman, palagi kaming nagbibiruan, naglolokohan. Pero for him to claim na ako ang the one, nakakatuwa lang lalo na coming from him na very kalog, very funny, nakaka-touch.”

Sa isang banda, parehong mapapanood bilang mga special guest ng GMA primetime show na “Heartful Café” every after My First Yaya.

Parehong masaya sina Barbie at Jak sa naging role nila sa pinagbibidahang serye nina Julie Anne San Jose at David Licauco dahil bet na bet daw nila ang role nila na hindi nila usual na nagiging character sa mga seryeng pinagbibidahan.

Jhong hindi banned sa Showtime

May pa-video interview si Ogie Diaz sa kanyang “Ogie Diaz Showbiz Update” kay Jhong Hilario. Kinamusta nito si Jhong mula nang umalis muna sa It’s Showtime at sa Your Face Sounds Familiar.

In fairness, kay Jhong na mismo nanggaling at talagang nagpaka-hands-on daddy siya sa kanyang baby girl na si Zarina.

“Every day, pagkagising ko sa umaga, 6 am, 6:30 am, kukunin ko si Zarina, magpapaaraw kami sa taas. Mga thirty minutes to one hour,” sey ni Jhong.

“Ako ang nagpapaligo kay Zarina dahil medyo takot sila, dahil medyo malikot si Zarina. Then, tulog… kailangan patulugin.

“Kung kailangan mag-rest ni Maia, ako ang magpapa-dede sa kanya by the bottle. And then, after no’n patulugin, palit ng diaper.”

Kumpara raw sa ibang nawawala sa isang show na hindi na nakakabalik dahil wala naman clamor na magbalik, kay Jhong daw, may mga naghahanap talaga.

Kaya tinanong ito kung may plano pa bang magbalik lalo na sa noontime show.

Sabi ni Jhong, “Ako po ay nagpapasalamat dahil naintindihan po at nirespeto po ang aking desisyon ng It’s Showtime family, Your Face Sounds Familiar family at ng ABS-CBN Management. Maraming Salamat po sa inyong pag-iintindi at ako naman po ay babalik kapag maayos ng lahat.”

Ogie gigil sa alindog ni Regine

Kahit ilang taon ng kasal at may isang anak na, mukhang buhos na buhos pa rin talaga ang pagmamahal at hindi nababawasan ang romansahan sa pagitan ng mag-asawang Ogie Alcasid ar Regine Velasquez.

Gigil na gigil si Ogie sa alindog ng kanyang Misis na si Regine na pinost pa sa kanyang Instagram account habang nasa kama sila at parang may panggigil sa paghalik dito.

May caption si Ogie na, “Pwede bang manggigil kay Misis? Sensya na po. Love you baba!”

Kaya ang comment ng netizens sa kanila, “Mapapa-sana all ka na lang.” “Niyayanig niyo talaga mga fan niyo sa ka-sweetan niyo.” “nalulunod ako sa kilig sa inyo!”

Kung siguro napakadaling magbuntis ni Regine, ‘di na nakakagulat kung may ilan na sigurong sumunod na kapatid si Nate, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.