Una sa Balita

Barbie, ayaw pa ring pag-usapan ang ‘nangyari’ sa kanila ni Kiko!

By
0 9
Barbie Forteza
Barbie Forteza

Firm si Barbie Forteza na hindi niya ever pag-uusapan ang nangyari sa kanila ni Kiko Estrada. Biglang na cut short ang romance ng dalawa at walang nakakaalam kung ano talaga ang nangyari.

Unang na-link si Barbie kay Kiko noong gawin nila ang teleserye na That’s My Amboy.

“I don’t want to talk about it. Basta it didn’t work out. It’s so yesterday. I think it’s time to move forward,” diin pa ni Barbie na bida sa kanyang teleserye na Meant To Be.

Mas gusto pang pag-usapan ni Barbie ang kanyang pag-aaral ulit. Nag-enroll nga ang Kapuso Teen Queen sa kursong BS Psychology sa University of Perpetual Help System sa Biñan, Laguna.

Noon pa hangad ni Barbie ang kumuha ng isang college course, pero dahil sa sunud-sunod na mga projects, lagi na lang daw nauudlot. Ngayon ay desidido na siyang tapusin ang pag-aaral niya. Kaya no time for romance si Barbie dahil happy na raw siya na single muna siya.

“It was never my priority, ang lovelife. No matter what age, hindi naman nauubusan. It’s not really my top priority… All I’m saying is, puwedeng wala, puwedeng mayroon.

“Iba ‘yung masaya ako na masaya ako for myself, at ‘yung masaya ako na may nagpapasaya sa akin.”

Ngayon ay feeling long hair muna si Barbie dahil sa apat na leading men niya sa Meant To Be na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raj.

Dina at Cherie, bongga ang sagupaan!

Natuwa ang award-winning actress na si Cherie Gil dahil katrabaho na niya ulit ang kanyang kaibigan na si Dina Bonnevie sa Alyas Robin Hood. Nag-share si Dina sa kanyang social media account ng muling pagsasama nila ni Cherie sa iisang TV show.

“You’re blooming Cheech!!! Cheers! Here’s for the best that is yet to come. Hope this reunion will make “Alyas Robin Hood” more exciting to watch!!” caption pa ni Dina.

Sagot naman ni Cherie ay: “Yes, Dins!!! Happy to catch up. Been too long…”

Well, bongga nga ang magiging sagupaan ng dalawa, at sana ay marami silang eksena dahil for sure, aabangan ‘yon ng mga fans nila.

Noong ‘80s pa nagsasama sa mga pelikula ng Viva Films sina Dina at Cherie. Ilan sa mga pelikulang napagsamahan nila ay Sana’y Wala Nang Wakas with Sharon Cuneta, Huwag Mong Itanong Kung Bakit at Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili.