Una sa Balita

Barbero itinumba sa lamayan

By
0 2

LAUR, Nueva Ecija — Sa lamayan itinumba ng mga hindi nakilalang salarin ang isang 37-anyos na barbero noong Huwebes ng madaling-araw sa Bonifacio St., Brgy. IV, sa bayang ito.

Sa ulat ni P/Sr. Inspector Christopher Baluyot, nakilala ang nasawi na si Nelson Aves Esteban, residente ng naturang lugar, na namatay noon din.

Nabatid na dakong ala-1:55 ng madaling-araw habang nakaupo sa sugalan si Esteban sa lamayan ng isang kapitbahay noong lapitan ng salarin at isinagawa ang pamamaslang.

Abante Hiring – IT dep

Nagkataong naroon sa lugar si PO2 Jayson M. Corpuz at pinaputukan sa paa ang mga papatakas na salarin at isa ang tinamaan subalit pawang nakatakbo papalayo.

Sa pinangyarihan ng krimen ay nakarekober ng may limang basyo ng bala para sa caliber .45 at kulay pulang pares na tsinelas.

Dinala ang bangkay ni Esteban sa Loida Funeral Services sa Cabanatuan City at inaalam pa ang kaukulang motibo sa pagpatay.