Una sa Balita

Barbara Milano natulala sa tanong tungkol kay PNoy

By
0 1,896

Katsikahan ko at ng ilang entertainment press noong isang gabi ang controversial lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio nang biglang dumating ang dating sexy star at naging politician sa Talavera, Nueva Ecija na si Barbara Milano.

In fairness, ang sexy pa rin niya kahit 45 years old na siya, huh! Nagulat si Barbara nang makita ang ilang entertainment press dahil ang alam daw niya ay magmi-meeting lang sila ni Atty. Topacio para sa isang case document na ipapagawa niya rito.

“Kumpare ko kasi si Ferdie (tawag niya kay Atty. Topacio), at may ipapagawa akong document sa kanya, hindi ko alam na maraming entertainment press. Hindi ako handa,” sabi ni Barbara.

Ikinuwento ni Barbara na kakandidato siyang vice mayor sa kanilang lugar at magiging running mate niya ang kaibigan namin nina Martin Nievera at Dulce na si Jojo Libunao.

Anyway, naloka si Barbara nang bigla siyang tanungin ng kung ano-ano ng entertainment press kasama na roon kung siya ba ang bagong love ni Atty. Topacio, pero magkumpare nga lang daw sila.

Ang tagal na nga raw nilang magkaibigan at inaanak sa binyag ni Atty. Topacio ang isa niyang anak.

Ang mas nakakaloka, nausisa rin si Barbara tungkol sa pagkaka-link niya noon sa former president na si Noynoy Aquino. Nabigla si Barbara sa tanong na ‘yon, kaya naman parang natulala siya.

Hindi ko na pinilit si Barbara na sagutin ang tanong na ‘yon dahil marami na rin ang ibang mga nag-interview sa kanya, so, hindi ko na alam kung sinagot ba niya.

Pero nang tinext ko si Barbara kahapon at tanungin tungkol doon, hindi nga raw niya sinagot ang bagay na ‘yon.
“Hindi ko po sinagot. Smile lang po ako sa mga nagtanong. Ayoko po talaga sagutin,” text back sa akin ni Barbara.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy