Una sa Balita

Barangay tanod, 4 pa timbog sa drug ops

0 373

KALABOSO ang limang katao, kabilang ang barangay tanod sa magkahiwalay na anti-illegal drug ope­ration na kinasa ng awtoridad sa Santiago City, Isabela noong Linggo.

Alas-3:30 nang madaling-araw nang isagawa ng pulisya ang buy-bust operation sa Brgy. Centro East na nagresulta sa pagkadakip sa mga suspek na sina Charles Alindada, 41-anyos, barangay tanod ng nasabing barangay, at mga kasama nitong sina Diana Del Rosario, 31, ng Brgy. Centro West at Christopher Garcia, 28, ng Brgy. Rosario.

Nakuha sa pag-iingat ni Alindada ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Una rito, nagkasa rin ng buy-bust sa Purok 1, Brgy. Victory Norte ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina Roniel Aquino, 32, at Janet Dayag, 25.

Nakuha sa kanila ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinala ring shabu.

Sa imbestigasyon, nakatanggap umano ang Santiago City Police Station (SCPS)-Drug Enforcement Unit ng intelligence information na magde-deliver ng shabu ang dalawa sa kanilang suki.

Dito, agad na nagsagawa ng anti-illegal drug bust ang awtoridad, at nang inabot na ang iniskor na shabu ng undercover agent, dito na pinosasan ang dalawa.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit sa buy-bust operation.

Nalaman ng SCPS na sangkot din sa illegal na droga ang dalawa ngunit nakalaya sa pamamagitan ng plea bargaining. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More