Una sa Balita

Barangay security officer sa Laguna bulagta sa tandem

By
0 2,027

NIRATRAT ang isang barangay police habang sakay ng kanyang kotse nang nakasabay na ri­ding-in-tandem sa Brgy. Makiling, Calamba City, Laguna kamakalawa ng umaga.

Namatay noon din ang biktimang si Noel Salvador Tesoro, 55 an­yos, residente at ­Barangay Police Security Officer (BPSO) ng Brgy. Makiling.

Batay sa imbestigasyon ng Calamba police, bandang alas-10:00 ng umaga, sakay ng kanyang kotse ang biktima, kasama ang anak na si John Niel Tesoro, at patungo sa barangay hall upang dumalo sa hearing nang pagsapit sa Purok 1, Lumang Kalsada ay sinabayan ang mga ito ng motorsiklo ng mga suspek.

Abante Hiring – IT dep

Nang tumapat, dalawang beses na binaril ng backrider ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Agad ding tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Hindi naman nasugatan ang anak ng biktima na nakaupo sa unahang passenger seat.

Patuloy pa ang imbes­tigasyon ng mga pulis at inaalam ang motibo at kung sino ang mga suspek sa krimen.