Una sa Balita

Barangay polls ipapatigil ni PDU30

By ,
In this photo provided by the Office of the City Mayor, Davao City, presumptive president-elect Rodrigo Duterte answers questions from the media during a news conference at dawn Thursday, May 26, 2016 at his hometown of Davao city, southern Philippines. Philippine lawmakers say Rodrigo Duterte has been elected president and Leni Robredo elected vice president in official vote count.(King Rodriguez, Office of the City Mayor Davao via AP) MANDATORY CREDIT
0 2

Mas gusto umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-appoint na lamang ng officer-in-charge (OIC) para mapa­litan ang mga nakaupong barangay captain kaysa magdaos ng barangay at SK election sa bansa.

Ito ang inihayag ni DILG Secretary Ismael Sueno na hindi lang ­umano plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang Barangay Elections sa darating na buwan ng Oktubre kundi nais nitong tuluyan nang tapusin ang termino ng lahat ng barangay opisyal at sa halip ay palitan nalang ang mga ito sa pamamagitan ng mga appointees ni Duterte.

Ayaw umano ni Duterte na ang mga mahahalal na mga barangay opisyal ay pinondohan ng mga drug lords o kaya ay ang mismong mga mahahalal ay sangkot sa ilegal na droga.

Sinabi pa ni Sueno na base umano sa plano ni Pangulong Duterte na pagdating umano ng Oktubre ang lahat ng barangay posts ay ideklarang vacant at dito ay mag-a-appoint nalang at titiyakin na ang maitatalaga ay hindi sangkot sa ilegal na droga.