Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barangay outpost sa bangketa wawasakin

0 125

Iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno ang paggiba sa lahat ng barangay outpost na itinayo sa mga ipinagbabawal na lugar sa Maynila.

“Ang batas ay para sa lahat at walang sacred cows sa Maynila,” ayon kay Moreno.

Sabi pa ni Moreno, ito ay bahagi ng kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa lahat ng uri ng obstruction.

SM food to go Banner Ad

Kasabay nito, nanawagan si Moreno sa lahat ng punong barangay na gawing ehemplo ang kanilang sarili at boluntaryo nang gibain ang lahat ng mga iligal na istruktura sa kanilang nasasakupan at huwag ng hintayin ang lokal na pamahalaann pa ang maggiba.

Sinabi ni Moreno ito ay kasunod nang ginawang pagwasak ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) sa ilalim ni City Engineer Armand Andres sa isang outpost na pagmamay-ari ng Brgy. 619 sa Sta. Mesa na itinayo sa bangketa ilang taon na ang nakalipas.

Inireklamo umano ito ng mga residente dahil sa halip na maglakad sa bangketa ay napipilitan n sa kalsada dumaan ang mga tao. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.