Una sa Balita

Barangay kagawad todas sa tandem

By
0 11

Patay ang isang kagawad ng barangay matapos barilin ng riding-in-tandem habang naghahatid ng kanyang anak patungo sa school sa Barangay Mamplasan, Binan City, Laguna kahapon ng umaga.

Kinilala ni Biñan City police chief Supt. Reydante Ariza ang biktima na si Eugenio Espinosa, kagawad ng Barangay Zapote.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-7:45 ng umaga, sakay ng motorsiklo ang biktima kaangkas ang kanyang anak na lalaki nang sabayan ang mga ito ng mga suspek at barilin.

Nagtamo ito ng tama bala sa ulo na agad nitong ikinasawi. Hindi naman nasaktan ang anak nito.

Ayon kay Ariza, ang biktima ay kasama sa watchlist sa iligal na droga sa Barangay Zapote.