Una sa Balita

Barangay kagawad todas sa riding-in-tandem

0 402

PATAY ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng ri­ding-in-tandem sa isang eskinita kamakalawa nang hapon sa may Severino St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ro­derick Magpale ng Manila Police District-Homicide Section, naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center(JRMMC) ang biktimang si Alfredo Hicana, 48, alyas Gerry Bok, barangay kagawad sa Brgy. 356 Zone 36 District 3 at taga #2319 Severino Reyes St, Sta. Cruz, Maynila pero idineklarang dead-on-arrival.

Naganap umano ang insidente dakong alas-2:07 nang hapon sa loob ng 1st alley sa Severino Reyes St, Sta. Cruz, Maynila.

Base sa CCTV footage ng isang pribadong estalisimyento sa lugar, nakita na ang gunman ay nangga­ling sa likuran ng biktima at saka nito pinagbabaril.

Nagawa pa umano ng biktima na makatakbo nang makita ang suspek pero tinamaan ito ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakasakay umano ang suspek sa isang motorsiklo na siya ang nagmamaneho at nang maisagawa ang krimen ay sumakay bilang back ride sa naghihintay niyang kasama.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa motibo ng krimen at inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy