Una sa Balita

Barangay kagawad tinumba

0 226

Patay ang isang barangay kagawad matapos itong malapitang pagbabarilin ng hindi pa kilalang gunman habang lulan ng kanyang traysikel Lunes nang gabi sa Legazpi City, Albay.

Dead on-the-spot matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang nakilalang si Allan Del Ayre, kagawad ng Barangay Bitano ng nabatid na lungsod.

Sa ulat na ipinadala ni Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, naganap ang insidente dakong alas-6:30 nang gabi sa harapan ng Happy Homes Subdivision sa Barangay Pawa ng lungsod na ito.

Lulan ng kanyang traysikel ang biktima at pagsapit sa nabatid na lugar ay isang hindi pa kilalang lalaki na armado ng hindi pa batid na ka­libre ng baril ang lumapit dito at agad itong pinagbabaril.

Nang masigurong wala nang buhay ang target ay mabilis na tumakas ang suspek patu­ngo sa motorsiklong naghihintay sa kanya hindi kalayuan sa lugar ng insidente. (Edwin Balasa)

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang mga posibleng motibo sa pagpatay sa biktima habang patuloy rin ang pagkalap ng mga maaaring maging saksi sa naganap na krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy