Una sa Balita

Barangay kagawad tiklo sa operasyon ng PDEA at PNP

By
0 1,657

TIMBOG sa isang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA (Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan) at ng PDEA-4B ang isang barangay kagawad sa Calapan City.

Kinilala ang suspek na si Modesto Leynes, 50-an­yos, residente at barangay kagawad ng Barangay San Vicente South, Calapan City, Oriental Mindoro.

Ayon kay Supt. Imelda Tolentino ng Regional Public Information Office ng PRO MIMAROPA, nakuhaan si Leynes ng 4 na plastic sachet na pinaghihinalaang may lamang shabu.

Nakuha rin sa posisyon ng suspek ang P1,000 na marked money na ginamit ng pulisya sa operasyon.

Nakakulong na si Leynes sa Calapan City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy