Una sa Balita

Barangay kagawad sa NE bulagta sa paghihiganti

By
0 483

PAGHIHIGANTI ang sinisilip na motibo sa nangyaring pamamaslang sa isang incumbent barangay kagawad noong Biyernes nang umaga sa may public cemetery, sakop ng Brgy. Poblacion Sur, Talavera, Nueva Ecija(NE).

Sa ulat ni P/Supt. Alexie Desamito sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Leon Victor Rosete, acting provincial director ng NE, may mga kinilala ng mga ‘person of interest’ sa pamamaril kay Kagawad Ramoncito Somera Magtalapa, 55-anyos ng Brgy. Dimasalang Sur, Talavera.

Nakikipaglibing si Magtalapa sa isang namayapang kabarangay nang patayin ng ‘di nakilalang armadong lalaki na nakamotorsiklo.

Sa pagsisiyasat, nabunyag na matagal na umanong pinlano ng isang Jervie Villarico Bondoc, 31-anyos ang pagpatay sa biktima bilang paghihiganti sa tatay nitong napaslang din noong Agosto 21, 2018.

Dahil dito ay kaagad inaresto nina Desamito ang batang Bondoc at isang Hermogenes Fernandez sa pagpaslang kay Magtalapa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy