Una sa Balita

Barangay kagawad naglaslas, nagbaril sa sentido 

By
0 188

PATAY ang isang 52-an­yos barangay kagawad matapos nitong maglaslas ng pulso at magbaril sa sentido kamakalawa nang gabi sa loob ng kanyang bahay sa Binondo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District-homicide section, ang biktima na si

Barangay 281 Kagawad Anthony Yu, taga-548 Caballeros St., Binondo, Maynila.

Ang biktima ay natagpuan walang buhay ng kanyang anak na si Patricia at nasa tabi ng kanyang katawan ang isang. 38 kalibreng baril at isang razor blade.

Dakong alas-7:20 nang gabi nang madis­kubre ang pagpapaka­matay sa kuwarto ng biktima na bukod sa tama ng baril sa kanyang sentido ay meron din itong hiwa sa kaliwang pulso.

Bago ang insidente, nabatid na ang asawa ni Yu na si Cherry na naninirahan sa Tarlac ay tumawag sa kanyang anak para puntahan ang ama na hindi niya makontak sa kabila ng sunod-sunod niyang patawag sa cellphone.

Kaagad naman nagtungo sa bahay ng ama si Patricia at dito niya nakita ang duguang ama at wala ng buhay.

Patuloy naman ina­alam ng pulisya ang motibo ng pagpapakamatay ng biktima o posibleng foul play sa pagkamatay nito.