Una sa Balita

Barangay kagawad na negative sa Covid, nag-suicide

0 438

Nasawi ang isang Barangay Kagawad na dumaranas umano ng depresyon sa gitnan ng coronavirus crisis matapos magbaril sa sarili kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang itinago sa pangalang Randy, 61, barangay kagawad at taga-Tondo, dahil sa tama ng bala sa ulo.

Ayon sa imbestigasyon ni P/Master Sgt. Jansen Rey San Pedro kay Manila Police District-homicide section, alas-12:20 ng madaling araw nang maganap ang pagpapakamatay ng biktima.

Base sa footage ng closed circuit television (CCTV) footage, nakatayo ang biktima habang nag-iisa sa nasabing lugar nang biglang ikasa ang baril, itinutok sa ulo at kinalabit pero hindi umano pumutok.

Ilang sandali pa ay inulit ng biktima na itutok sa ulo ang baril at sa pagkakataong iyon ay pumutok na dahilan upang bumagsak siyang duguan sa lapag.

Sa nakuhang impormasyon sa mga kaanak ng kagawad, kalalabas pa lamang nito sa Metropolitan Medical Center matapos ma-admit dahil sa Pneumonia at Emphysema.

Sumailalim pa umano ito sa coronavirus disease 2019 (COVID) laboratory test at base sa ipinakitang resulta sa imbestigador mula sa cellphone picture ng kaanak, negatibo naman sa COVID-19 ang biktima.

“SARS-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA not detected,” base sa resulta na inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine na ipinakita sa pulisya. (Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More