Una sa Balita

Barangay chairman tinodas ng tandem

0 260

Patay ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng mga suspek riding in tandem, kahapon nang umaga sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Chinese Ge-neral Hospital ang biktimang si Alfredo Lansingan, chairman ng Brgy. 161 sa Gagala-ngin, Tondo.

Habang nakatakas naman ang mga hindi kilalang suspek dala ang hindi pa matukoy na baril sakay ng dalawang motorsiklo.

Ayon sa Manila Police District-homicide section, alas-9:30 nang umaga nang maganap ang krimen sa panulukan ng Solis Street at Dagupan Street sa Tondo.
Nabatid na sa kuha ng CCTV sa lugar, sakay umano ng kanyang motorsiklo ang biktima, nang tawagin pa ng mga salarin, bago apat na ulit na pinaputukan, pero dalawang bala lamang ang tumama sa biktima.

Ilang saksi ang nag akalang may may pumutok lamang na gulong pero nagulat sila nang makitang bumagsak ang biktima.

Patuloy naman iniimbestigahan ng pulisya kung may kinalaman sa kanyang trabaho ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

(Juliet de L­oza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy