Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barangay chairman nilikida

0 112

Patay ang isang kapitan ng barangay matapos itong tambangan ng hindi pa kilalang salarin at barilin sa ulo, sa bayan ng Echague, Isabela nitong Sabado ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang nakilalang si Ricardo Mencias, incumbent chairman ng Brgy. Camarao sa bayan ng Cordon. Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Brgy. Annafunan, lulan ng kanyang Toyota Fortuner.

Patungo sana ito ng Brgy. Pag-asa pero pagdating sa tulay ay bigla na lang itong atakihin at pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek. Matapos na masigurong patay na ang target ay mabilis na tumakas ang salarin patungo sa hindi batid na lugar.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang mukha ni Kapitan Mencias na tumagos sa kanyang batok na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para sa motibo ng pamamaril at sa posibleng pagdakip sa salarin. (Edwin Balasa/Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.