Una sa Balita

Barangay chairman inulan ng reklamo sa quarantine pass

0 631

Dinagsa ng reklamo ang pamahalaan lungsod ng Las Pinas laban sa barangay Pulang Lupa Dos sa lungsod ng Las Pinas dahil sa hindi umano pagbibigay ng quarantine pass sa mga residente doon.

Inirereklamo ng mga residente ang kanilang Barangay Chairman dahil sa hindi umano pagbibigay ng quarantine pass kaya hindi sila makalabas ng bahay.

Dahil walang passes ay hindi sila makabili ng pagkain sa mga grocery, hindi rin sila makapamalengke.

Bukod dito ay wala umano silang natatanggap na ayuda mula sa local government.

Panawagan ng mga residente na sana’y aksyunan ng local government ang kanilang hirit dahil hindi anila sila mamamatay sa Covid-19 kundi sa gutom. (Armida Rico)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More