Una sa Balita

Barangay chairman inambus sa Nueva Ecija

0 402

Patay sa pananambang ang isang barangay captain at kasamang tanod nang pagbabarilin sa kanilang mga likuran ng hinihinalang gun-for-hire noong Linggo nang hapon sa Barangay Dimasalang Sur, Talavera, Nueva Ecija.

Sa ulat na naisumite sa tanggapan ni Mayor Nerivi Santos-Martinez, nakilala ang mga biktima na sina Barangay Captain Christopher Bondoc Antonio, 45-anyos at tanod na si Rey Dela Cruz, 55, kapwa residente ng naturang barangay.

Nabatid na dakong alas-5:05 nang hapon pauwi ang mga biktima sakay ng motorsiklo na may sidecar o kolong-kolong na may plakang IV 6843.
Mula sa kanilang likuran ay pinagbabaril ang mga ito ng nag-iisang gunman na nakasakay umano sa motorsiklo.

Away politika ang pangunahing motibo na sinisilip ng pulisya dahil may nauna nang napatay na dalawang kagawad sa lugar bago ang pananambang kay Antonio. (Jojo De Guzman)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More