Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Barangay captain todas, misis ligtas sa ambus

0 53

Patay ang isang kapitan ng barangay habang nakaligtas naman ang kanyang asawa matapos itong tambangan at barilin ng hindi pa kila­lang riding-in-tandem habang pauwi ang mga ito sa bayan ng Siocon, Zamboanga del Norte noong Huwe­bes ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa Siocon District Hospital dahil sa isang tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa leeg ang biktimang si Berting Asiddin Inding, 54-anyos, kapitan ng Barangay Balagonan samantalang ligtas ang misis nito na naka-backride sa kanya.

Sa ulat ng pulisya, tumatahak sa Barangay Tibangao ang mga biktima nang sabayan sila ng mga suspek at paputukan ng backride ang ulo ng biktima na tuma­ma sa leeg nito bandang alas 11:30 ng gabi.

Dahil dito ay nag-ekis ang takbo ng motorsiklo hanggang matumba ito. Tumakas na ang mga suspek pero hindi ginalaw ang asawa ng biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo at utak ng krimen gayundin ang mga suspek na maaari umanong inupahan para patayin ang biktima. ­(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.