Barangay captain iniligpit ng tandem

By

Isang kapitan ng barangay ang nasawi matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nag­lalakad sa harapan mismo ng barangay hall kahapon ng umaga sa Teresa, Rizal.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala mula sa kalibre .45 baril sa ulo at katawan ang biktimang si Arvin Zapanta, 44, kapitan ng Barangay San Gabriel ng nabatid na bayan.

Samantala nakuhanan naman ng CCTV ng barangay ang krimen at malinaw na nakita ang mukha ng dalawang suspek na ngayon ay patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan.

Sa ulat ng Teresa Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente alas-6:55 ng umaga sa harapan ng barangay hall ng San Gabriel. Habang naglalakad ang biktima ay bigla na lang itong tinapatan ng mga suspek at pinagbabaril ng angkas sa motorsiklo na suspek bago mabilis na tumakas.

Ayon sa pulisya, posibleng may kinalaman sa trabaho ng kapitan ang krimen subalit masusi pa nila itong iniimbestiga­han.

SHARE