Una sa Balita

Barangay captain, 2 tanod timbog sa drug raid

By
0 1,273

Isang reelectionist barangay captain na sinasabing high value target sa droga kasama ang dalawang tanod ang nadakip ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Meycauayan City police makaraang makumpiskahan ng shabu at baril sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Malhacan, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Santos Mera, Meycauayan City police chief, ang naarestong sina Delfin San Pablo, incumbent barangay captain ng Barangay Malhacan at dalawang barangay tanod na sina Ferdinand Llaosa y Travero at Jimmy Garcia y Guzman, pawang residente sa nasabing lugar.

Bandang alas-11:45 ng tanghali nang magkasa ng buy-bust operation ang Meycauayan City police sa Barangay Malhacan, Meycauayan City matapos ang week-long surveillance operation at madakip ang barangay captain na si San Pablo gayundin ang kanyang dalawang tanod.

Abante Hiring – IT dep

Nakuha ng mga awtoridad sa kanilang pag-ii­ngat ang limang pakete ng shabu na tumitimbang ng 14.9 gramo at nagkakahalaga ng P66,000; isang caliber 45 Norinco pistol na kargado ang pitong bala at P1,000 buy-bust money habang lumilitaw na si Barangay Captain San Pablo ay sumuko na noong nakaraang taon sa Oplan Tokhang.

Nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165, illegal possession of firearms at paglabag din sa Omnibus Election Code (Gun Ban) ang mga suspek na sinasabing hindi tumigil sa pagtutulak ng drugs kahit sumuko na sa gobyerno noong nakaraang taon.

“This again shows the relentlessness of our police operatives to put a stop to the proliferation of illegal drugs as we are tripling our efforts to arrest drug pushers inclu­ding government officials who are included in our targetlist and watchlist,” ayon kay P/Chief Supt. Amador V. Corpus, regional director ng Police Regional Office 3 (PRO3).