Una sa Balita

Barangay at SK election ipagpaliban

0 312

MULING nanawagan si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na ipagpaliban ang halalan ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) na nakatakda sa Mayo 2020.

Sa public hearing ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, sinabi ng senador na dapat i-extend ang kasalukuyang dalawang taong termino ng mga opisyal ng barangay at SK batay sa inihaing Senate Bill 201.

“Hindi po kasalanan ng mga barangay officials ang postponement ng nakaraang eleksyon”, sabi ni Go.

Binigyang-diin nito na ang mga barangay at SK officials ang ‘frontliners’ ng gobyerno sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko sa bansa.

“Mga barangays natin ang pinaka-frontline ng ating gobyerno sa paghahatid ng serbisyo at sa kampanya natin laban sa iligal na droga at kriminalidad”, anang senador.

“Kaya dapat lang na mabigyan natin sila ng sapat na panahon upang makapagpatupad ng kani-kanilang mga programa at proyekto sa kanilang mga nasasakupan”, dagdag pa nito.

Matatandaan na noong Oktubre 2017 ay ipinagpaliban ang eleksyon ng barangay at SK matapos ipasa ang Republic Act 10592 kaya’t dalawang taon lang silang nagserbiyso sa kanilang komunidad.

“Dahil sa RA 10952 na naisabatas noong 2017 at dating postponement ng barangay at SK elections, magiging dalawang taon na lang ang kanilang mga termino mula sa dapat tatlong taon”, ani Go.

Nakasaad sa Senate Bill 201 na ang dapat bigyan ng sapat ng panahon ang mga opis­yal ng barangay at SK na maimplementa ang kanilang mga programa sa kanilang nasasakupan.

Nakalagay din sa panukala na ipagpaliban ang halalan sa Mayo 2020 at ilipat na lang sa May 2023.

(Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy