Una sa Balita

Barangay Amats

By
0 721

Sa Lunes na isasapubliko ni PDEA Director General Aaron Aquino ang listahan ng mga baranggay officials na nasasangkot sa droga.

Karamihan sa mga Chairman at kagawad, ayon kay Aquino, ay protektor ng drug syndicate. Ang ilan naman ay user o pusher.

Pinakamarami sa listahan aniya ang nasa Region 5 (Kabikulan).

Sa NCR, nasa sa 10 hanggang 15 lamang ang bilang ng mga opisyal ng baranggay na nasa narcolist.

Bukod sa 211 na nauna ng bilang, mayroon pa aniya na idinagdag ang Malakanyang sa listahan.

Makakatulong ng malaki ang narcolist para magabayan ang ating mga kababayan na makikilahok sa nalalapit na barangay elections.

Lord Ikaw ba po ang bahala.

BALITAWIT

IKAW PA RIN (Tito Mina)

Marami na silang may tama riyan..

Marami pang drogang matitikman

Kay dami nang lulong sa drugs..

Di na mabilang kung ilan

Ngunit ang protektor ay si Chairman!!!

Kayo pa rin ang source, shahu’t damo..

Di ko man lang alam pangalan mo

Ako’y iyong nginitian, mga mata’y dilat naman..

Ang laging nasa isip ko’y bangag na yan!

Adlib:

La la la la… lagot kayo!

Na na na na… nanana nyo!

Yeah

Pangalan mo ay nasa list

Sa Monday na iri-release..

Ngayon, bukas, kailan pa man

Ngayon, bukas, kailan pa man

Adik pa rin!

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More