Una sa Balita

Barakong direktor nahuhumaling sa poging aktor

By
0 942

abante-talbog-joe-barramedaHindi ko alam na may pagka-berde ang dugo ng isang direktor ngayon na noon ay isa sa mga kilalang personalidad sa showbiz. Eh sa unang tingin, mukhang barakong-barako naman ang director na ito.

Pero, sa nakuha na­ming chismax mula sa production ay iba raw ang pag-aalaga ng direktor sa isang aktor na lagi raw nitong chinichika at pinapaboran.

Tuwing break daw sa taping ay lagi itong nakatutok o nakabantay sa aktor at sinisiguro na ala­ga at asikaso ito ng production staff. Well ganiyan talaga ang buhay, at wala naman problema sa mga kasamahan, kaya go lang Direk.
***

Ruru nagpakilig sa Pampanga

Naging matagum­pay ang Wheeltek Bingo Bajaj sa San Fernando, Pampanga noong Biyernes. Sa tulong ng Kawasaki ay si Ruru Madrid ang a­ming artist noong araw na ‘yun.

Umaga pa lang ay sumabak na sa motorcade si Ruru sa buong siyudad ng San Fernando. Kaya kinahapunan sa actual Bingo Bajaj ay sinorpresa ang mga manlalaro ng Bingo sa parking lot ng Robinsons Mall.

Inawitan at kiniliti ni Ruru ang mga fan sa venue at inawit pa niya ang theme song ng upcoming teleserye niya na “TODA One I Love” na “Sana Sa Huli.” Dumayo pa ang ilang miyembro ng Rurunatics para suportahan ang kanilang idolo.
Nag-enjoy naman lahat sa nasabing Wheeltek-Kawasaki Event na taon-taon nilang ginagawa.
***

Mga eksena sa ‘Onanay’ nakakaatake sa puso

Hinahangaan ng mga televiewer ang pang-best actress na pagganap ni Mikee Quintos sa well-loved primetime series na “Onanay.” Litaw na litaw ang husay sa pag-arte ng Kapuso star gabi-gabi.

Kaya naman nu’ng nasangkot sa kapahama­kan sina Onay (Jo Berry) at Maila (Mikee), pati ang netizens nag-aalala sa sitwasyon ng mag-ina.

Ayon sa Twitter user na si @Sweetmaiden7, “Nasa bintana na yung mga kapitbahay namin! Kinakabahan sa episode! Lakas maka-atake sa puso! Pero Maila @mikeequintos. Ang galing mo talaga!”

Todo abang din ang mga manonood dahil baka ito na raw ang pagkakataong mabubunyag na ang sikreto ni Lucas (Wendell Ramos).
***

Rita, Arra agawan kay Ken

Trending topic sa social media ang pag-amin ng karak­ter ni Arra San Agustin na si Carol ng kanyang true feelings para kay Boyet (Ken Chan) sa top-rating series na “My Special Tatay.”

Marami ang nag-react na nakaka-relate sila sa sitwasyon ni Carol dahil masakit nga naman daw na may iba nang minamahal ang iyong mahal lalo na’t bestfriend mo pa ito. Siyempre, hindi ito pinalampas ng mga fan ng tambalan nina Boyet at Aubrey (Rita Daniela). Sey nila, dapat hindi hayaan ni Aubrey na magkalapit pa ang dalawa!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy