Una sa Balita

Baraha pinupunit ‘pag talo

0 248

ARESTADO ang isang opisyal ng Philippine N­ational Police (PNP) ng Baguio City Police Office (BCPO) na naaktuhang nagsusugal at pinupunit pa umano ang baraha sa loob ng casino sa San Fernando City, La Union noong Linggo.

Kinilala ng San Fernando City Police Station (SFCPO) ang suspek na si P/Lt. Col. Arman Gapuz, hepe ng Community Affairs Development Unit (CADU) ng BCPO.

Nag-ugat umano ang paghuli kay Gapuz bunsod ng reklamo ng ibang manlalaro sa casino at pagsuway umano nito sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagbabawal sa papasok sa mga pasugalan ang sinumang government workers.

Samantala, hindi na rin umano interesado ang pamunuan ng naturang casino na sampahan ng kasong kriminal ang nasabing opisyal ng pulisya.

Una rito, sinabi ng SFCPO, base sa salaysay ng isa sa mga nagresponde at hindi na nagpakila-lang pulis na humuli kay Gapuz, naalarma umano ang mga empleyado ng casino dahil sa pagpunit nito ng baraha sa tuwing natata- lo ang kanyang pusta.

Nasa BCPO na umano ngayon ang naturang opisyal para sa pagdinig ng kaso nito.

Ayon pa sa BCPO, tutuluyan nilang sasampahan ng kaukulang demanda si Gapuz na nasa floating status bilang hepe ng CADU. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy