Una sa Balita

Bar topnotcher kinutya ng mambabatas

0 825

Dismayado ang mga miyembro ng legis team ng isang mambabatas na ito sa kanilang amo dahil laging kinukutya ang kanilang mga ginagawa.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban, noong una’y ipinagmamalaki ng lawmaker na ito na puro mga bar topnotcher ang bumubuo ng kanyang legislative team

Pero nang lumipas ang tatlong buwan medyo nawalan na ng gana sa kanila ang among mambabatas dahil hindi pasado sa kanya ang ginagawa ng mga ito.

Hindi raw kuntento ang mambabatas na ito sa paggawa ng mga draft bills, gayundin sa kanilang mga research.

Mahilig daw ang mambabatas na ito na magpa-research pero kapag ibinigay na ang material ay binabasura lang nito.

Gayundin umano sa mga privilege speech at talking points, napapailing daw lagi ang senador na ito dahil kulang sa sustansiya ang nilalaman nito kaya naman sa basurahan ang bagsak ng kanilang mga pinaghirapan.

Pintahan nyo na. Pabibo ang bagitong senador na ito na may letrang O sa kanyang apelyido.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More