Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bar Exam 2 araw na lang

0 214

Dalawang araw na lamang isasagawa ang 2020/21 Bar Examination sa Enero 23 at 25 dahil sa epekto ng bagyong ‘Odette’ at patuloy na pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19.

Batay Philippine Supreme Court Public Information Office, kailangang sumailalim sa dalawang linggong self-quarantine ang mga mag-e-exam.

“All examinees are strongly advised to self-quarantine starting January 9, 2022, or at least two weeks before the Bar Examination,” ayon sa press statement.

Dagdag pa riyan, hindi umano nakapagdagdag ng bagong abogado ang Pilipinas simula pandemic, at dahil dito, hindi na maaring maipagpaliban muli ang bar exam. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.