Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bantayog ng mga bayaning frontliner itatatag

0 85

Isinusulong ni Manila Rep. Manuel Luis “Manny” T. Lopez ang konstruksyon ng isang pambansang monumento na tatawaging “Bantayog ng mga Bayaning Frontliners.”

Ayon kay Rep. Lopez na siya ring chairman ng House Committee on Metro Manila Development, ang naturang proyekto ay nakapaloob sa inihain niyang House Bill No. 9159 o “Frontliners Recognition Act.”

Magsisilbi aniya itong pagkilala at pag-alala sa kabayanihan ng lahat ng “frontline heroes.”

Pasisinayaan ang bantayog kasabay ng

“National Day of Mourning and Remembrance” na alay para sa COVID-19 frontliners na gagawing isang special working holiday, alinsunod sa isinasaad ng Section 9 ng nasabing panukala.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“As we face a continuous surge of COVID-19 infections and almost all of our hospitals in the National Capital Region once again declare full capacity, our frontline workers, both medical and non-medical, have not stopped working tirelessly, selflessly, and valiantly in the service of their countrymen despite the clear and imminent dangers to their own health and safety,” pahayag ni Rep. Lopez.

“It is in this time, now more than ever, that we should recognize the courage, hard work, sacrifice, and invaluable contribution of our frontline heroes,” dagdag nito.

Bubuo ng isang komite na magbabalangkas ng mga panuntunan para sa nominasyon at pagpili ng mga pangalan ng mga bayaning frontliner na ilalagay sa bantayog.

Pagkakalooban din ng tulong pinansiyal at scholarship ang mga anak ng mga bayaning frontliner sa alin mang eskuwelahan na pinatatakbo ng pamahalaan, mapa-unibersidad man o pamantasan.

“We shall ensure that the selection process will be transparent and open to the public. This is but a simple recognition compared to the enormous sacrifice and selfless service our frontliners have given in these trying times,” giit ng kongresista mula sa Tondo, Maynila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.