Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bantay sarado ng doktor, nutritionist: Angel balik alindog, Darna body ang goal

0 43

Ang tindi ng pressure kay Angel Locsin, ha! Imagine, ngayong nagsimula na siyang mag-diet, at inaalalayan ng doktor, nutritionist, ang laki agad ng expectation ng mga fan.

Ang gusto nila, agad-agad ay makita nila ang resulta, at ang resulta na bet nila ay parang katulad ng sexy body niya noong nagda-Darna pa siya.

Ay, pressure talaga. Eh, teka lang naman, hindi naman na bata si Angel na tulad noong edad niya noong Darna days niya, ha! So, ‘wag naman masyadong harsh o super pressure sa kanya.

Dapat ay nai-enjoy lang ni Angel ang pagpapaseksi niya, o balik alindog program. Huwag `yung parang big event ito, o parang show na The Biggest Loser, ha!

Anyway, masisilip na nga sa Instagram video, at pati na sa TikTok, ang mga diet food program ni Angel. Kaaliw nga na dinadaan niya sa pagpapatawa ang pagda-diet.

“Oo kakagising ko lang. After so many years, I decided to go back (sa pagda-diet),” sabi ni Angel.

At sa unang post nga niya ng pagkain na dapat niyang lantakan, ang sabi lang niya, “Masarap siya, hindi lasang karton.”

“Ang sarap ng pork, mukha siyang konti, pero according to my nutritionist ‘yan ang kailangan ko to achieve my goals. Please, bear with me and wish me good luck!” sabi pa ni Angel.

Pinost din niya ang merienda niya na hiwa-hiwang mansanas.

SM food to go Banner Ad

“Sabi nga nila ang an apple ay day, is seven apples a week. Hahahaha!” pabirong chika niya.

Pero siyempre, may mga post din siya na naiinis siya sa mga kaibigan niya na post nang post ng masasarap na pagkain.

“Tapos magpo-post ng ganito (na puro masasarap na puto, kutsinta, o mga sweet). Nananadya kayo! Char lang. Hahahaha!” saad ni Angel.

Pero siyempre, ang motivation niya ay photo ng pusa at daga na magkasama.

“Remember diet. Remember diet!” caption ni Angel.

Anyway, puro steamed gulay, inihaw na isda nga ang makikita sa IG story ni Angel ngayon. At kung masusunod niya ang kanyang diet program, possible ngang bumalik agad ang kaseksihan niya.

Remember, sina Anne Curtis at Marian Rivera nga, parehong may mga anak na, pero kita mo naman ang katawan, daig pa ang mga dalaga. So, konting tiyaga lang, sure ako na magagawa ni Angel `yon!

But again, dapat walang pressure, ha! Baka sa halip na makatulong, magbigay pa ng problema. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.