Una sa Balita

Bantay na mga pulis sa Boracay bawal matulog

By ,
0 1,904

PINAGBAWALAN ni Phi­lippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde ang mga pulis na naka-deploy sa Boracay na pumasok at matulog sa mga establisimyento sa nasabing isla kahit na alukin pa sila.

“They should not sleep or enter the establishments. Even if they will be offered to sleep inside, they better sleep at the shore,” sabi ni Albayalde sa isang press conference nang bumisita sa Boracay noong Huwebes.

Ipinag-utos ito ni Alba­yalde para maiwasan aniya ang anumang akusasyon laban sa mga pulis sakaling may mawala na mga gamit sa loob ng mga establisi­myento sa Boracay.

“There might be things that will be lost inside (the establishments), and the policemen might be blamed for that,” ayon kay Albayalde.

Pinapayagan lang aniya ang mga pulis na naka-deploy sa isla na matulog sa kanilang mga tolda. “They do not need to sleep anywhere else, especially (since) there are hotels that are due for demolition,” ani Albayalde.

Samantala, batay aniya sa general assessment sa seguridad ng Boracay matapos na isara ito sa mga turista at hindi residente noong Huwebes ay maayos naman sa pangkalahatan ang isla.

Kaugnay sa daan-daang mga pulis na naka-deploy sa Boracay, sinabi ni Albayalde na mas mabuti na ang “it is better to be over-killed ­rather than underestimate the situation”. (PNA)