Una sa Balita

BANTAY-BUDGET, INILARGA!

By ,
0 119

Babantayan ng grupong Bagong Al­yansang Makabayan o Bayan ang binabalangkas na panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.

Kasunod ito ng naging kumpirmasyon ni Budget Sec. Benjamin Diokno na tig-P80 milyon ang ilalaan sa mga mambabatas para sa mga proyektong kanilang tutukuyin.

Sinabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes na malinaw ang naging desisyon ng Korte Suprema na labag sa batas ang pork barrel at anumang uri nito.

Naniniwala rin si Reyes na ang paglalaan ng pondo sa mga mambabatas ang siyang ugat ng talamak na katiwalian kaya’t panahon na para mawala iyon.

Pero si Sen. Panfilo Lacson, naniniwalang mayroong basbas ni Pa­ngulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte ang pagbabalik ng ‘pork’ budget sa mga kongresista.

Naniniwala ang senador na hindi magkaka­lakas-loob na si Diokno na ibalangkas ito sa 2017 budget kung walang permiso ng Pangulo.

“Secretary Diokno is an alter ego. Unless rebuffed by the President,” ani Lacson.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy