Una sa Balita

Bantay Bata, Kalikasan founder Gina Lopez pumanaw na

0 299

PUMANAW na sa edad na 65 ang Filipino philanthropist, environmentalist at dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources na si Regina Paz ‘Gina’ L. Lopez dahil sa komplikasyon at organ failure.

Matagal na nanilbihan si Gina bilang chairperson ng ABS-CBN Foundation Inc. (AFI), sa ilalim ng kanyang pamumuno, naita­tag ang Bantay Bata 163 na pinakaunang rescure hotline para sa mga kabataan sa buong Asya at tumanggap ng United Nations Grand Awardee for Excellence noong 1997.

Si Gina din ang nagtatag ng Bantay Kalikasan na layong proteksyonan ang kalikasan, kabilang ang muling pagtatanim ng puno sa La Mesa Watershed at rehabilitasyon ng mga estero sa Pasig Ri­ver. Bago naging kalihim ng DENR, nagsilbi rin siya bilang chairperson ng Pasig River Rehabilitation Commission noong 2010.

Pinangunahan din ni Gina ang Educational Television (ETV) sa bansa, na nagresulta sa pagkakaroon ng video libraries sa may 10,000 public school.

Sa ilalim din nito nalikha ang mga programa tulad ng Sineskwela, Math Tinik, Hirayamanawari, Bayani at Epol/Apple na tumatalakay sa iba’t ibang asignatura para makatulong sa pag-aaral ng mga estudyante.

Dahil sa kanyang adbokasiya na pangangalaga sa kalikasan at kultura, tumanggap si Gina ng maraming parangal kabilang ang kauna-unahang Pilipino na tumanggap ng Seacology Prize noong 2017.

Naiwan ni Gina ang kanyang dalawang anak na sina Roberto at Benjamin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy