Una sa Balita

Bantang kaso kay Duterte minaliit ni Panelo

0 475

Binalewala ng Malacañang ang plano ng National Unions of Lawyers na kasuhan si Pangulong Rodrigo Duterte pagbaba nito sa puwesto sa 2022 kaugnay sa umano’y maramihang pagpatay sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malaya ang sinoman na magsampa ng kaso laban sa inaakalang lumabag sa batas.

Ang korte naman aniya ang magdedetermina kung may batayan ang reklamo laban sa Presidente.

“It’s a free country, everyone is entitled to file any case against whosoever they think has violated the law, and let the courts decided of the validity of such complaint,” ani Panelo.

Sa ngayon ay hindi maaring kasuhan ang Presidente dahil mayroon itong immunity sa kaso habang siya ay nasa puwesto.

Sinabi ni Panelo na hindi nangangamba si Pangulong Duterte sa plano ng kanyang mga kritiko pagkatapos ng kanyang termino dahil ang tutok nya sa ngayon ay tiyakin ang magandang buhay para sa mga Pilipino.

“The only worry that the President has is the sufferings of the people, that is why he does a lot of things to make lives comfortable for them,” dagdag pa ni Panelo.

Matatandaang makailang ulit na iniha­yag ni Pangulong Duterte na hindi siya natatakot makulong dahil ginagawa lamang nito kung ano ang nararapat para sa kaligtasan ng susunod na henerasyon,lalo na sa banta ng iligal na droga sa mga Pilipino. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy