Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Banta ng militar kay Liza, ikinatakot ni Jasmine

0 230

Tila nakaramdam ng takot si Jasmine Curtis Smith para kay Liza Soberano, sa suporta nito sa grupong Gabriela.

Ni-retweet ni Jasmin ang ulat ng CNN Philippines tungkol sa isang hindi pinangalangang military official na nagbabala kay Liza sa pakikipagtulungan nito sa red-tagged group na Gabriela.

“A military official, known to tag government critics as communist rebels, has warned actress @lizasoberano against working further with left-leaning Gabriela Youth after the celebrity spoke as guest in one of its events.”

“Ayan na sila!” sabi ni Jasmine.

Ramdam nga ang pagkabahala ni Jasmine sa mensaheng iyon. At natatakot siyang baka magamit ito sa Anti-Terror Bill.

Rodjun Cruz type makatrabaho ng Hollywood actor

Ang bongga ni Rodjun Cruz dahil may video greetings sa kanya ang Hollywood actor na si Jonathan Tucker. Mapapanood sa Instagram ni Rodjun ang video ni JT na binabati siya nito at sinabi pang gusto niyang makatrabaho o maka-collab ang Pinoy actor.

Inendorso rin ni JT si Rodjun na suportahan ng kanyang mga fan.

Tumatak sa isip ng mga Pinoy si JT bilang kontrabida sa “Charlie’s Angels” na pinalabas nitong 2019.

Hindi makapaniwala si Rodjun na babatiin siya ni JT.

“Wow solid! “Jay Kulina” of Kingdom series on @netflix & “Mr. Hodak” of Charlie’s Angels 2019. Thank you my idol, in acting & fitness, @jonathanmtucker. You truly are an inspiration to all of us. A superb actor & a humble person. Can’t wait to watch your upcoming shows & movies. Work with you soon hahahaha! God bless you,” sabi ni Rodjun.

Julia pinaiyak si Dani

Pinaiyak ni Julia Barretto ang ate niyang si Dani Barretto sa mensahe niya para sa kaarawan nito.

“When we were little, i always wanted to be in the same dress as you. During your seventh birthday you were supposed to be the only Cinderella costume, but you let me be Cinderella too because you knew, I always wanted to be matching with you. You were in a show called Ang TV, and I’d always wait for it to be Saturday so i could watch you – the rest of the week i’d be crying waiting for it to be saturday again. I’ve always looked up to you, i’ve always been your #1 fan. With the circumstances, i usually tend to forget how young i am. That’s when i find myself running to you. Running to my Ate. It’s how you look out for me, how you protect me and love me. I can’t ask for a better sister, Dan. I tell you this all the time. But I LOVE YOU. Happy Happy birthday@daniharretto,” sey ni Julia.

“This made me cry. My Juju! I love you sooooo much!!!! Thank you for also being an ate to me whenever i fall short. Sometimes ates need to be reminded that we don’t have everything figures out all the time. I love you I love you!” sabi naman ni Dani.

Ria humiling ng dasal, gamot para sa kaibigan

Humihingi ng tulong-pinansyal, gamot, dasal at kung anu-ano pa sa kanyang mga follower sa Instagram si Ria Atayde. Nag-post si Ria sa IG ng larawan ng isang babaeng kalbo at nakasalamin, si Jelaine Calooy.

Ayon kay Ria, kaibigan niya ang babae na may karamdamang Acute Myeloid Leukemia at nanatili sa ospital nang mahigit isang buwan.

Dumaan na sa chemotherapy at haploidentical allogenic transplant si Jelaine at ngayon ay nakaratay sa ICU ng ospital.

Pagmamahal sa kaibigan ang nagbunsod kay Ria para manawagan ito ng tulong.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.