Una sa Balita

Banta ng mga ‘ninja cop’: Pamilya ni PDEA chief Aquino, ‘di na makalabas ng bahay

0 720

RP

Inamin ni Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) Director General Aaron Aquino na siya’y nagpadagdag ng security para sa kanyang pamilya.

Ito’y kasunod ng kanyang pagtestigo kontra sa mga ‘ninja cop’ o iyong mga pulis na sangkol sa muling pagbenta ng mga nakukumpiskang iligal na droga.

Ayon kay Aquino, apektado ang kanyang pamilya at hindi na rin makalabas ng bahay dahil sa pangamba na posibleng balikan sa kanyang mga umano’y expose sa Senate hearing.

“I have increased their security. Nagdagdag ako eh,” saad ni Aquino.

“Hindi na (sila) lumalabas. My eldest told me she’s not living a life anymore. Hindi makalabas,” aniya pa.

Matatandaan na isa si Aquino sa mga nandiin kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde na sinabing tinawagan siya ng dating Metro Manila police chief para hindi i-dismiss ang 13 pulis Pampanga na nasangkot sa maanomalyang buy-bust operation noong 2013.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy