Una sa Balita

Banta kay Solenn: Nico Bolzico maghuhubo’t hubad sa Instagram

0 435

Nag-apoy ang Instagram ni Solenn Heussaff dahil sa kaseksihan niya, o sa nude photo niya, na wala talaga siyang saplot, hubad talaga. Siyempre, throwback photo lang ito dahil ngayon ay may laman nang baby ang kanyang tummy.

Marami nga ang nag-abang sa reaksiyon ni Nico Bolzico sa photo na ‘yon ni Solenn. Sabi nga kasi ni Solenn, uulitin niya ang pictorial na ‘yon, pero dapat ay malaking-malaki na ang kanyang tiyan.

At ‘yun na nga, hindi nagpatinag sa comment ang asawa ni Solenn na si Nico.

“OK! Close everything! If u do this I will do the same w my elephant trunk underwear!”” hirit ni Nico.

Aba’t agaw eksena talaga sa mga fan ang comment ni Nico, tila mas na-excite sila sa hamon na iyon. Naku, totohanin kaya niya ‘yon na magpi-pictorial siya na hubo’t hubad? I’m sure, kakabahan, o mababaliw talaga ang mga fan, lalo na ang mga nagpapantasya kay Nico, once na ginawa niya ‘yon. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy