Una sa Balita

Banners Forever

0 227

Dear Abante,
Pagbati sa mga nanalo sa natapos na eleksyon.

Nawa’y magawa ninyo ng maayos ang inyong mga sinabing plataporma at mga nais mangyari para sa bayan.

Ngayon ang simula ng totoong laban.

Nais ko lamang bigyang pansin ang banners, posters, stickers at iba pang ginamit ng mga kandidato. Kung saan-saan nakakabit, sa puno, sa overpass, sa mga bahay-bahay, sa poste, sa gate o kung saan pa.

Hanggang kailan nga ba ito maaaring magtagal? Forever ba o hanggang sa susunod na eleksyon? Mangyari sanang linisin na ng mga kinauukulan ang kanilang mga ginamit.

Minsan kasi ay nakasasama na sa kapaligiran at hindi na maayos tingnan.

Nagiging marumi na o nagsisilbing kalat na ang mga ito. Total tapos naman na ang eleksyon, nanalo man o natalo nawa’y pare-parehas nilang linisin ang kanilang kalat.

Kung paano nila mabilis na naisakilos ang paglalagay, ganoon din sana nila kabilis tanggalin ang mga ito.

Minchin ng Cavite

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy