Una sa Balita

BanKo inahon ni Tiamzon sa pagkalubog vs Motolite

0 328

HERO’S ROLE

Sa pagsingasing ni team skipper Nicole Anne Tiamzon, nakatayo mula sa dalawang set na pagkakabaon ang BanKo para matakbuhan ang Motolite sa kapana-panabik na 5-set, 19-25, 23-25, 25-18, 25-22, 17-15 sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference 2019 elims Linggo ng hapon sa Alonte Sports Arena, Biñan, Laguna.

Pasabog ang 19 points si Tiamzon, 18 mula sa atake at isang service ace para makaangat sa standings na 3-5 win loss record ang Perlas Spikers, nakipagpalit ng puwesto sa biktimang Power Builders – ikaapat na ang una samantalang laglag panlima ang huli sa 3-6.

Sa huling set ng laban, umaatikabong nagpalitan nang malalakas na palo ang magkabilang batalyon kung saan humampas si Tiamzon ng isang cross court attack upang tapusin ang laro.

“Again reset, kasi kailangan naming makapag-deuce ng time na yun eh. So I don’t think, wala kaming inisip kundi makapuntos lang, makaabot sa 14-all tapos kami naman. Kami naman yung mauna sa 16,” kwento ni Tiamzon.

Katuwang niya sa BanKo sina Kathy Bersola na may 17 points, Yasemin Yildirim na may 16 points, Sutadta Chuewelin at Suzanne Roces na humataw ng 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

“Pinapractice din sa training lalo na yung kapag kunwari wala kaming first ball, kailangan may go-to-person talaga and yun nga yung wing spikers.

So kailangan talaga namin akuin kapag crunch time,” pangwakas ni Tiamzon.
Nabalewala ang pagkayod para sa Motolite ng 30 at 27 markers nina imports Channon Thompson at Krystle Esdelle. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy